musicas.mus.br

Letras de músicas - letra de música - letra da música - letras e cifras - letras traduzidas - letra traduzida - lyrics - paroles - lyric - canciones - HINIHILING - ZSA ZSA PADILLA - música e letra

Utilize o abecedário abaixo para abrir as páginas de letras dos artistas

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Hinihiling letra


Ikaw na ang aking munting pangarap
Matang nagniningning parang bituin
At t'wing hatinggabi, ikaw na ang hinihiling
O, diyos ko, ibalik mo s'ya sa akin

Ikaw at ako sa magkabilang mundo
Tanaw ko pa rin na sa huli ikaw ay akin

Sa aking paghimbing ang panaginip
Muling pagtatagpo nating dalawa
Ngalan mo pa rin ang binubulong ng hangin
O, diyos ko, ibalik mo s'ya sa akin

Ikaw at ako sa magkabilang mundo
Tanaw ko pa rin ang tulay pabalik sa'yo
Ikaw at ako sa magkabilang mundo
Tatawirin at sa huli ikaw ay akin

Bawat himig ko'y bumabalik sa'yo
Ang iyong tingin tagos sa'king buto
Lakap mong hinahanap-hanap ng bisig ko
Sa'yo pa rin (laging sa'yo pa rin)
Uuwi ang puso ko

Ikaw na ang aking munting pangarap
Matang nagniningning parang bituin
At sa hatinggabi, ikaw na ang hinihiling
Tanaw ko pa rin na sa huli ikaw ay akin

Zsa Zsa Padilla - Letras

top 30 músicas

©2003 - 2026 - musicas.mus.br